Perfect frames para sa inyong mga painting, alok ng Arts & Frames by Rosetti

“Every canvas is a journey all its own.”

Kaya naman tampok ngayon ang negosyong Arts & Frames by Rosetti na nag-aalok ng framing para sa mga painting.

Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng owner na si Noel Belangel na bago ang covid-19 pandemic ay mayroon silang walk-in upang makita ang mga alok nilang frames pero noong nakaraang taon ay sinimulan nila ang online business.


Kwento ni Belangel, mahilig din siyang mag-drawing kung kaya’t dito na rin nagsimula na magbenta ng frames matapos hikayatin siya ng isang kaibigan.

Bukod sa mga painting, kinukuha rin ang Arts & Frames by Rosetti bilang partner ng ilang photography business.

Facebook Comments