Perfect shooting, naitala sa pagbabalik court ng NBA superstar na si Kevin Durant

22

Wala pa ring kupas ang estilo ng paglalaro ng NBA superstar na si Kevin Durant sa kanyang pagbabalik sa team, kahit inabot pa ng 23 games ang kanyang pagkawala sa Brooklyn Nets.

Agaw pansin ang performance ni Durant matapos magpakita ng perfect shooting para tambakan ng Brooklyn ang New Orleans Pelicans sa score na 139-111.


Nagtala si Durant ng 17 points, kasama ang dalawang 3-points shots, seven rebounds at five assists sa loob lamang ng 19 minutes na paglalaro.

Aminado ang head coach ng Nets na si Steve Nash na iniingatan nila si Durant dahil kagagaling lamang nito sa tinamong strained left hamstring sa bahagi ng binti.

Ipinasok sa second quarter ng game si Durant at sinalubong ang All-Star forward ng palakpakan ng ilang mga fans sa arena.

Facebook Comments