Performance at trust rating ni PBBM, bahagyang tumaas —OCTA Research

Bahagyang tumaas ang performance at trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba naman ang kay Vice Presidente Sara Duterte sa 2nd quarter ng 2024.

Base sa tugon ng Masa Survey na isinagawa ng OCTA Research, umakyat sa 71 percent ang trust rating ni Pangulong Marcos na mas mataas ng 2 percent mula sa 69 percent sa 1st quarter ng 2024 habang 10 percent naman ang mababa ang tiwala sa pangulo at 19 percent ang undecided.

Sa kaparehong survey, bahagya namang bumaba ang trust rating ni VP Sara sa 65 percent kung saan mas mababa ito ng 3 percent mula sa 68 percent sa unang bahagi ng taon at 11 percent naman ang mababa ang tiwala kay VP Sara at 24 percent ang undecided.


Ang tugon ng Masa ay non-commissioned survey na isinagawa ng OCTA Research sa buong bansa noong June 30 hanggang July 5, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Facebook Comments