Performance-based bonus ng mga pulis, ipamamahagi na simula ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na ang pamamahagi ng performance-based bonus ng kanilang mga tauhan para sa Fiscal Year 2022.

Base sa Special Allotment Release Order ang PBB ay nagkakahalaga ng halos P4 Billion.

Matatanggap ito ng mahigit 200,000 PNP personnel na mayroong “exceptional performance” at nakakuha ng total score na 80 points base sa itinakdang PBB Criteria and Conditions.


Ayon sa PNP, bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng PBB na katumbas ng 52 percent ng kanilang December 31, 2022, monthly basic salary na didiretso sa kanilang ATM payroll accounts.

Nabatid na hindi naging kwalipikado sa PBB para sa fiscal year 2022 ang ibang mga tauhan ng PNP dahil sa kasong kriminal at administratibo na kanilang kinaharap noong 2022.

Maliban dito ay nagkaroon din sila ng incomplete submissions ng mga dokumento, mababang performance, extended leave at mga outstanding cash advance.

Facebook Comments