Pinangunahan ni Atty. Noor Hafizullah “Kirby” Matalam Abdullah, DILG-ARMM Regional Secretary ang ceremonial awarding ng Performance Challenge Fund (PCF) sa mga LGUs na naging achiever ng 2018 Seal of Good Local Governance (SGLG). Isinagawa ito sa Pagana Native Restaurant sa Cotabato City.
Sinasabing may kabuuang halaga ng 79.3M PCF mula Department of the Interior and Local Government ang ipinagkaloob sa 23 LGUs mula ARMM na pumasa sa “Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal,”.
Kaugnay nito , 7 M ang tinanggap ng Basilan bilang natatanging provincial awardee mula 5 lalawigan ng rehiyon habang tumanggap naman ang Lamitan City ng 5.1M.
Samantala 3.2 M naman ang tinanggap ng mga LGU na kinabibilangan ng Talipao, Sulu, Maluso, Basilan,Sumisip, Basilan, Simunul, Tawi-Tawi, Sibutu, Tawi-Tawi, Wao, LDS, Taraka, LDS , Kapatagan, LDS,
Buadipuso Buntong, LDS , Piagapo, LDS, Barira, Maguindanao , Buldon, Maguindanao, Matanog,Maguindanao, Parang, Maguindanao, Sultan Kudarat, Maguindanao, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao, Guindulungan, Maguindanao, Shariff Aguak, Maguindanao, Datu Paglas, Maguindanao
Upi, Maguindanao, South Upi, Maguindanao.
Ang PCF ay incentive fund mula DILG na ipinagkakaloob sa mga LGU bilang karagdagang pundo sa mga gagawing proyekto na makakatulong sa kani kanilang mga kababayan.
Kaugnay nito patuloy ang paghimok ni Sec. Abdullah sa lahat ng mga LGU Officials sa ARMM na patuloy na ipakita at ipadama sa kanilang mga kababayan ang kanilang mga responsibilidad base na rin sa kanilang sinumpaang tungkulin.