Performance Challenge Fund mula DILG nakuha na ng ilang SGLG LGUs

28

Limang Local Government Units sa Maguindanao ang nakatanggap ng tig P2.3-million pesos makaraang makamit ng mga ang criteria ng Performance Challenge Fund (PCF) 2019 ng Department of Interior and Local Government.


Kabilang sa mga criteria ang maganda at mainam na performnace sa financial administration, disaster preparedness, social protection, peace and order, business friendliness, tourism, culture and the arts at environmental protection.

Ang naturang LGUs ay ang South Upi, Guindulungan, Datu Piang, Shariff Aguak at Datu Abdullah Sangki.

Si BARMM Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang nanguna sa isinagawang awarding ceremony kahapon.

Ayon kay Minister Sinarimbo, ang pondo ay gagamitin ng nabanggit na mga munisipyo para sa kanilang mga programa at paghahatid serbisyo.(Daisy Mangod)
BARMM PIC

Facebook Comments