Performance Governance System ng PRO2, Inilunsad Na!

Cauayan City, Isabela – Sinimulan na ngayong araw, ika dalawampu ng Abril 20 taong kasalukuyan ang programa ng Police Regional Office 2 kaugnay sa sabay-sabay na paglulunsad ng Performance Governance System ng PNP sa bansa.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PRO2 Police Community Relation Chief at Information Officer PSupt Chevalier Iringan, Isa sa napiling ahensya ng gobyerno para sa Performance Governance System ay ang Philippine National Police upang makita ang bisa at kakayahan ng mga kapulisan sa paglilingkod at pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.

Aniya, sabay-sabay na ilulunsad ngayong araw ang pang apat at pinal na yugto ng Performance Governance System mula sa headquarters ng Camp Crame at sa lahat ng Police Regional Offices kung saan nakuha ng Police Regional Office 2 ang Silver Eagle award sa pangalawang stage na Compliance, at Gold Eagle award naman sa pangatlong stage na Proficiency.


Hinihikayat ngayon ni PRO2 Information Officer PSupt Iringan ang mga taumbayan na makilahok sa kanilang programa at magtungo lamang sa kanilang head quarters o covered court upang maayos ang mga dokumento ng sasakyan o baril at makinabang na rin sa kanilang frontline services gaya ng pagpapalabas ng mga clearances at visa stickers, mayroon din umano silang booth para sa medical consultation at iba pang hatid ng kanilang programa.

Inaanyayahan din ni PRO2 Information Officer PSupt Iringan ang mga retiradong pulis na makibahagi sa kanilang programa upang masagot ang kanilang problema hinggil sa pension at benepisyo.

Facebook Comments