Mas matimbang para kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang magandang performance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR kaysa sa kontrobersyal na bagong logo nito.
Aminado si Salceda na hindi siya eksperto pagdating sa creatives kaya wala syang nakikitang problema basta’t matiyak na above board at compliant ang procurement process para sa bagong logo.
Para kay Salceda, kahanga-hanga ang performance ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco.
Pangumahing pinuri ni Salceda ang 50.59% na pagtaas sa income ng PAGCOR sa unang quarter ng kasalukuyang taon.
Bunsod nito ay tiwala si Salceda na makakamit ng PAGCOR ang target nitong Gross Gaming Revenue na 224.8 billion pesos ngayong 2023.
Binanggit din ni Salceda ang pakikipagnegosasyon ni Tengco para mapataas ang parte ng gobyerno sa kita mula sa slot machine terminals.
Ikinatuwa rin ni Salceda na tinatrabaho rin ni Tengco ang paglilinis sa assets at financials ng PAGCOR para sa posibleng pagsasapribado nito.