MANILA – Pinuri ng mga political analysts ang naging performance ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ikatlo at panghuling presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.Ayon kay Leandro Coronel ng Manila Bulletin, sa lahat ng mga kandidato na lumahok sa debate patunay na nanalo si Duterte dahil tila hindi ito naapektuhan sa mga isyung ibinabato sa kanya.Habang tinukoy ni De La Salle University Assistant Professor Richard Heydarian kung paano ipinakita ng Davao mayor ang kanyang political will sa pagtugon sa problema sa terorismo sa Mindanao.Ipinaliwanag ni Inquirer Columnist Randy David kung bakit patuloy ang pagsuporta ng mga botanteng Pilipino sa presidential bid ni Duterte.Sa kabila ng pagdami ng mga politiko na nagsasabing sila ay maka-masa, wala sa kanila ang katulad ni Duterte na direktang humamon sa pampulitikang sistema ng bansa.
Performance Ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Pinuri Ng Ilang Political Analayst
Facebook Comments