Period of amendments sa 2026 budget, isinagawa na ng Senado

Umarangkada na ang period of amendments ng Senado para sa panukalang 2026 national budget.

Sa pagbubukas ng period of amendments ay kaagad na kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang hindi pagkakaroon ng committee amendments ng budget bill.

Iginiit ni Cayetano na dapat ay nagkaroon ng amyenda sa committee report matapos ang kanilang mga naging rekomendasyon sa ginawang interpelasyon noong mga nakalipas na araw.

Paliwanag naman ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, ang committee report na nila ang magsisilbing committee amendments at ang gagawin nila ngayon ay ang paglalatag ng individual amendments o ang kanya-kanyang panukalang pagbabago ng bawat senador.

Dagdag pa ni Gatchalian, nagkaroon na ng technical working group (TWG) kung saan kinunsidera at pinagaralan na ang mga panukalang amyenda ng mga government agencies at mga senador.

Facebook Comments