PERJURY | Petitioners sa giyera kontra droga, kakasuhan?

Manila, Philippines – Nahaharap sa kasong perjury ang mga petitioners sa giyera kontra droga.

Sa oral arguments sa Korte Suprema, sinabi ni Solicitor General Jose Calida na pawang hearsay lamang kasi ang nakasaad sa dalawang petisyon sa war on drugs.

Nang tanungin naman si Calida kung magsasampa ito ng kasong perjury laban sa petitioners, inihayag nito na ipinauubaya na niya sa respondents ang pagdedesisyon kung kakasuhan nila ang petitioners.


Kabilang sa respondents sa dalawang petisyon sina Philippines National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino at PNP IAS head atty. Alfegar Triambulo.

Sa interpellation naman ni Supreme Court Justice Samuel Martires kay Calida, inatasan ito ang Solicitor General na alamin sa respondents ang contact persons sa Almora and Aparri cases.

Kinuwestiyon din ni Martires kung bakit walong units ng PNP kabilang na ang PDEA ang nagsagawa ng buy-bust operation kay Aparri gayung nag-iisa lamang ito noon sa bahay.

Pinare-review din ni Martires ang mga kaso ng drug operations sa Almora case, Aparri case at kay Jefferson Soriano.

Facebook Comments