Permanent closure ng Navotas Sanitary Landfill, pinangangambahang magpalala sa pagbaha

Labis na ikinabahala ni Caloocan 3rd Distric Representative Dean Asistio ang permanenteng pagsasara ng Navotas Sanitary Landfill na tiyak magkakaroon ng nakakatakot na implikasyon at dami ng environmental related issues na kailangan ng agarang aksyon.

Para kay Asistio, maituturing itong environmental emergency dahil pababagalin nito ang koleksyon at lalong magkadaragdag sa tambak ng basura sa buong Metro Manila.

Ayon kay Asistio, magpapalala ito sa patuloy na pagbabara ng mga estero, drainage, at iba pang waterways na dulot ay patuloy na matinding pagbaha.

Sabi ni Asistio, bunsod nito ay malilipat at maiipon ang lahat ng basura sa San Mateo Landfill mula sa 17 lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na umaabot sa 13,000 toneladang basura kada araw.

Kaugnay nito ay ikinakasa na ni Asistio ang gagawing pagdinig ng pinamumunuan niyang House Committee on Metro Manila Development na layuning makabuo ng komprehensibo at integrated na Flood Management Plan sa Metro Manila.

Facebook Comments