Permanent council ng CBCP, tatalakayin ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng simbahang Katolika

Manila, Philippines – Magpapatupad ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ng pagpupulong ng permanent council hinggil sa mga isyu na kinasasangkutan ng simbahang Katoliko.

Ayon kay Father Jerome Secillano, CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary, nagpupulong ang permanent council kapag may mga isyung dapat tugunan.

Aniya, posible itong mangyari sa pagbabalik sa bansa ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Geolina Valles na ngayon ay nasa Rome.


Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Father Secillano sa maaaring mapag-usapan sa pulong.

Samantala, kinumpirma naman ni Caloocan Bishop Pablo David na nakatatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Ani Bishop David, posibleng may kinalaman ito sa pagiging maboka niya laban sa kampanya kontra ilegal na droga.

Sa kabila nito, hindi lilimitahan ni Fr. David ang kilos nito at walang makakapigil sa kanyang tungkulin bilang obispo.

Facebook Comments