Manila, Philippines – Nagsimula na ngayong araw ang pagtanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng aplikasyon para sa special permit ngayong Christmas season.
Ito ay para sa lahat ng Public Utility Vehicle (PUV) operators na interesado na bumiyahe ng labas sa kanilang ruta.
25 porsiyento lamang ng kabuuang authorized units kada prangkisa ang papayagan.
Lahat ng units na i-a-apply ay dapat hindi hihigit sa sampung taong gulang mula sa panahong ilabas ito sa manufacturing firm.
Ang mga operator na may certificate of public convenience na iisa lang ang unit ay hindi bibigyan ng special permit.
Dapat lamang na tukuyin ng mga operators sa kanilang petisyon ang kanilang terminal at ruta ng destinasyon.
Magkakabisa ang biyahe ng mga bus na may special permit simula Disyembre 23 hanggang Enero 3 ng susunod na taon.