Manila, Philippines – Kinansela ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa lungsod ng Maynila kaugnay sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Miyerkules.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, epektibo ang gun ban at kanselasyon ng PCTFOR sa Maynila simula alas-otso ngayon umaga hanggang sa alas-otso ng umaga sa Huwebes, Enero 10.
Aniya, tanging mga tauhan lamang ng PNP, militar at iba pang tauhan ng ilang law enforcement agency na unipormado at nasa misyon ang papayagang magdala ng armas.
Layon aniya nito na tiyakin na magiging ligtas sa publiko sa Traslacion na inaasahang dadaluhan ng milyun-milyong mga deboto.
Facebook Comments