Permit to operate ng private schools na bigong ipatupad ang anti-bullying law, maaring i-suspend

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) na tatanggalan ng permit to operate ang mga pribadong eskwelahan.

Ito ay kapag nabigo ang mga ito na maipatupad ang mga probisyon ng anti-bullying law.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla – maaring suspendihin o i-revoke ang permit o recognition ng private school na hindi makakapag-comply sa requirements ng Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act of 2013.


Bibigyan aniya ng 30 araw ang mga eskwelahan para maka-comply.

Sa ilalim ng batas, lahat ng public at private schools ay nakamandato para ipatupad ang child protection o anti-bullying policy.

Matatandaang na-dismiss sa Ateneo de Manila University ang isang junior high school student dahil sa viral bully video nito.

Facebook Comments