
Mahigpit na mino-monitor ng pamahalaan ang delivery schedule na pinapayagang tumakbo mula 11 P.M. hanggang 5 A.M. ngayong papalapit ang holiday season.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MMDA STAG Commander Bong Nebrija na walang limitasyon sa delivery ng pagkain at yelo, pero ang ibang produkto ay dapat ihatid lamang mula 10 P.M. hanggang madaling-araw.
Pabor ito sa mga supplier dahil mas mabilis ang biyahe kapag hindi mabigat ang traffic.
Pero aminado ang MMDA na nananatiling masikip ang daloy ng sasakyan sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA at C5, lalo na habang papalapit ang Pasko.
Kaya’t magdadagdag ang MMDA ng enforcers at magpapatupad ng augmentation at stop-and-go schemes para mapagaan ang trapiko.
Nanawagan din ang MMDA ng kooperasyon mula sa mga mall, suppliers, at motorista upang maiwasan ang mas matinding sikip na taunang problema tuwing Kapaskuhan.









