
Ipinagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang perpetual revocation o habambuhay na pagkakakansela ng lisensya ng driver na nahuling nag-counterflow sa Skyway.
Ito’y matapos makuhanan sa CCTV footage ang pag-counterflow o pagsalubong ng naturang driver sa mga sasakyan mula sa kabilang lane.
Ayon kay Dizon, hindi maaaring suspensiyon lamang ang lisensya ng driver dahil ang ginawa nito ag naglagay sa peligro ng mga motoristang gumagamit ng naturang kalsada.
Aniya, dapat na hindi na pamarisan ang kaniyang ginawang ‘reckless driving’ at kanselahin na habambuhay ang lisensya nito.
Kasunod nito, humingi naman ng tulong ang ahensya sa publiko magpadala ng mga report sa mga pasaway na driver at motorista para ito ay agad na maparusahan at maaksyunan.









