Person of interest sa pagpaslang sa babaeng engineer sa Bulacan, tukoy na ng PNP

Mayroon nang person of interest ang Bulacan Police sa pagpaslang sa 23-taong gulang na babaeng industrial engineer na natagpuan sa masukal na lugar sa Malolos, Bulacan.

Ayon kay Bulacan Police Chief Police Col. Charlie Cabradilla, hindi pa nila pwedeng pangalanan ang naturang person of interest dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at nangangalap pa sila ng ebidensya.

Hindi niya rin nabanggit kung ano ang relasyon nito sa biktima.


Base sa ulat, noong Sabado pa huling nakitang buhay ang biktimang si Princess Dianne Dayor para pumasok sa trabaho pero kalaunan ay natagpuan ang bangkay nito noong Martes.

Nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng biktima kaya nagkaroon ng masangsang na amoy na nakatawag ng pansin sa mga dumadaan.

Nakasubsob sa lupa ang biktima at may bakas ng sakal.

Hinihinala naman ng mga kaanak ng biktima na residente sa lugar ang suspek.

Facebook Comments