Person of interest sa pagpaslang sa mamamahayag na si Jess Malabanan, tinukoy na ng Special Investigation Task Group

Mayroon nang person of interest sa pagpaslang sa mamamahayag na si Jesus “Jess” Malabanan.

Ayon kay Special Investigation Task Group Lt. Aileen Velarde, mayroon na silang lead pero hindi muna nila ito isasapubliko.

Aniya, ipaubaya na lamang ito sa mga imbestigador para hindi na makagulo pa sa kanilang imbestigasyon.


Paliwanag ni Velarde, ibinase nila ang lead mula sa mga impormasyong nakuha sa isinagawang interview.

Kasabay nito, muling nanawagan ang asawa ni Malabanan ng hustisya para sa walang habas na pagpaslang sa kaniyang kinakasama.

Matatandaang alas-6:30 ng gabi ng Disyembre 8 nang barilin si Malabanan ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay San Joaquin, Calbayog City, Samar.

Facebook Comments