Manila, Philippines – Nagpositibo sa drug test ang isa sa itinuturing na persons of interest sa panghahalay at pagpatay sa bank teller na si Mabel Cama sa Pasig City.
Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director, C/Supt. Romulo Sapitula –kailangan pang kumpirmahin ang pagsusuri sa pamamagitan ng urine test.
Bagamat hindi napangalanan, naniniwala si Sapitula na posibleng nasa impluwensya g droga ang gumawa ng krimen.
Sinabi naman ni Pasig PNP Chief, S/Supt. Orlando Yebra – isasailalim sa polygraph examination o lie detector test ang apat sa limang persons of interest.
Posibleng isagawa ito sa Martes habang sa hiwalay na araw isasailalim sa kaparehong pagsusuri ang natitirang person of interest.
Facebook Comments