Person of Interest, Tinututukan ng PNP Isabela sa Pagpatay kay dating BM Nap Hernandez!

2247

*San Mateo, Isabela*- Meron nang person of interest na sinusundan ang kapulisan kaugnay sa pagpatay kay dating Board Member Napoleon “NAP” Hernandez.

Ayon sa kapulisan may mga impormasyon umano silang nakalap hinggil sa maaaring motibo sa pamamaslang sa biktima ngunit tumanggi ang mga ito na ibahagi ang detalye upang hindi masira ang kanilang ginagawang imbestigasyon.


Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang PNP Isabela na siyang tututok sa naturang pangyayari.

Magugunita na kagabi ay pinagbabaril ang biktima sa Brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela matapos dumalo sa oath taking ceremony ng mga bagong halaal na opisyal ng Bayan ng San Mateo ng papauwi na ito sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng riding in tandem na sakay sports motorcycle.

Si Ginoong Nap Hernandez ay itinalagang Municipal Administrator ng bagong Punong Bayan na si Retired Col. Gregorio Pua ng San Mateo.

Kumalat naman sa social media ang pakikiramay at pagkondena sa karumal dumal na pagpatay sa biktima.




Ilan sa mga opisyal ng Lalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Bojie Dy ay inalala ang mga nagampanan at kahusayan na naibahagi ni BM Nap Hernandez para sa ikauunlad ng Probinsya.

Hindi napigilan ng nasabing opisyal ng maiyak habang inaalala ang kanilang mga pagsasama noong siya ay Gobernador pa lamang ng Lalawigan.

Facebook Comments