Isinailalim sa drug testing ang ilang mga indibidwal na kabilang sa listahan ng Person Who Used Drugs o PWUD sa bayan ng Manaoag.
Pinangasiwaan ang naturang aktibidad ng lokal na pamahalaan ng bayan katuwang Philippine National Police (PNP) at Manaoag PNP sa nasa pitumpu’t-anim (76) na katao.
Ang mga PWUD ay kaisa sa inilunsad na mga rehabilitation programs o mga nagnais na talikuran na ang naging buhay na may presensya ng ipinagbabawal na gamot.
Layon ng drug testing na tuluyang ma-ipatanggal sa listahan at ma-ipagpatuloy ang bagong buhay. Samantala, patuloy ding pina-iigting ng bayan ang kampanya kontra droga upang mapanatili at makamit ang drug-free Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









