“Persona non grata” – dapat ideklara ng mga LGU sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGU) na ideklarang “persona non grata” ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang pagdedeklara sa mga rebeldeng komunista bilang “persona non grata” o “unwelcome person” ay malaking tulong sa hangarin ng gobyerno na itaboy o alisin sa bansa ang mga ito.

Mapapababa rin nito ang tiyansang makapag-recruit pa ng mga bagong miyembro ang mga rebelde.


Napapanahon din aniya ito upang mapigilan ang NPA sa pananakot sa mga botante na iboto ang gusto nilang kandidato.

Ang pagdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata ay pagtitiyak na may kakampi ang national government sa war against insurgency.

Facebook Comments