‘Persona-Non-Grata’, Idineklara laban sa NPA sa Bayan ng Rizal, Cagayan!

256

*Cauayan City, Isabela-* Mahigpit nang pinagbabawalan ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Rizal, Cagayan matapos na ideklarang ‘Persona-non-grata’.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Rizal Cagayan Vice Mayor, Atty. Joel Ruma, sinabi nito na nakapaglabas na ang Sanguniang Bayan Member at Sanguniang Kabataan (SK) kasama ang LIGA ng Barangay ng isang joint resolution na nagdedeklara sa mga tulisang New People’s Army bilang Persona-Non-Grata.


Ito ay hakbang ng pamahalahaang lokal ng Rizal upang sugpuiin at itigil ang insurhensiyang dulot ng mga makakaliwang grupo at mga kaalyado nito partikular na sa Zinundungan Valley na nasa pinakadulo at liblib na lugar ng Cagayan.

Aniya, bilang pagtugon sa direktiba ng administrasyong Duterte, nagpasya ang kanilang pamahalaang lokal na gawin ang naturang hakbang alinsunod na rin sa nakapaloob sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Facebook Comments

From Advertisers