Personal aircon watch, naimbento!

*Panghimagas – *Inilabas na ang kauna-unahang personal aircon watch na kayang palamigin at painitin ang katawan ng sinumang magsusuot nito.
Gamit ang “climacon” technology, ang aircon watch ay nakapaglalabas ng lamig o init direkta sa pulso na makapagre-regulate ng temperatura ng katawan.
Kaya rin nitong magbigay ng malamig o mainit na pakiramdam sa magsusuot ng relo depende sa klima.
Ayon pa sa mga lumikha ng teknolohiya, maaari ring baguhin ang temperaturang ilalabas ng relo depende sa gusto o pangangailangan ng mga magsusuot nito.
Sinasabing ang “magic” ng gadget na ito ay nasa strap kung saan naroon and “climacon” technology.
Sa ngayon ay naghahanap pa ng karagdagang investors ang mga lumikha ng aircon watch upang tuluyang maibahagi ito sa publiko.

Facebook Comments