Personal hygiene, sanitation at tubig sa mga evacuation centers sa Iligan City – patuloy na minomonitor ng DOH

Iligan City – Bukod sa kalusugan at nutrisyon ng mga nagsilikas mula sa Marawi City, tinututukan rin ng Department of Health ang kalinisan ng mga evacuees para mai-iwas ang mga ito sa posibleng pagkalat ng mga sakit.

Sa datos ng DOH, nasa higit 15 libong water containers na ang kanilang naikalat para sa mga evacuees, habang nasa 9 na libong mga hygiene kits naman ang kanilang naipamahagi.

Higit 2 libong dignity kits para sa mga kababaihan ang kanilang naibigay, kung saan naglalaman ito ng sanitary napkin, toiletries, malong at undergarments para sa mga kababaihan.


Ayon sa DOH, lahat ng mga evacuation centers para sa mga nagsilikas mula sa Marawi City ay mayroong WASH service, kung saan patuloy na minomonitor ang kalidad ng tubig, dini-disinfect ang tubig at minomonitor din ang proper hygiene at sanitation ng mga evacuees.

Facebook Comments