Manila, Philippines – Pinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Cabinet Meeting si National Food Authority Administrator Jason Aquino.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa Cabinet Meeting kagabi ay napag-usapan ang issue ng supply ng bigas kung saan binigyang diin sa pulong na walang kakulangan ng supply ng bigas ang NFA sa bansa.
Sinabi ni Roque na gusto ng Pangulo na personal na malaman kay Aquino ang tunay na nangyayari sa NFA sa susunod na Cabinet Cluster Meeting.
Matatandaan na sa pagdinig ng Senado sa issue ng supply ng bigas ay pinagbibitiw at pinasisibak ng mga senador kay Pangulong Duterte si Aquino dahil hindi nito ginagawa ang kanyang trabaho.
Nabatid na nitong mga nakalipas na buwan ay tumaas ang presyo ng commercial rice sa merkado at inaasahan pa umano ito na tatagal hanggang sa buwan ng Hunyo.