Personal na galit at pera, nakikitang motibo ng pulisya sa pagpatay sa mag-ina sa Tayabas, Quezon

Sinisilip ng pulisya ang anggulong personal na galit at pera ang motibo sa pagpaslang sa mag-ina sa Tayabas, Quezon na halos 1 buwang napaulat na nawawala.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Pcol. Jean Fajardo, base sa pakikipag-ugnayan niya sa hepe ng PNP Southern Luzon, may alitan sa pamilya at may dalang pera ang mga biktima mula sa Japan.

Itinuturing namang persons of interest ang 4 na indibidwal kung saan ang 2 dito ay mismong kamag-anak ng mga biktima.


Sa ngayon, ani Fajardo, maganda ang itinatakbo ng imbestigasyon at isinasapinal na lamang ang mga dokumento at ebidensya para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Una nang napaulat na nawawala ang mga biktima noong February 21 at natuklasan ang kanilang mga labi sa mismong bakuran ng kanilang tahanan nitong March 14 sa bahagi ng Bella Vita Subdivision sa Brgy. Isabang, Tayabas City.

Facebook Comments