Personal na impormasyon ng mobile subscribers, dapat tiyakin sa pagpapatupad ng Mobile Number Portability Act

Aarangkada na ang Mobile Number Portability Act (MNPA) simula ngayong araw, Setyembre 30.

Pinapahintulutan ng batas ang mobile phone subscribers na lumipat sa ibang service providers nang hindi na kinakailangan pang magpalit ng numero ng kanilang telepono at magbayad ng interconnection fees.

Bunsod nito ay pinapatiyak ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa telecommunications companies ang pag-iingat sa mga personal na impormasyon ng mga mobile subscriber.


Giit ni Gatchalin sa telcos, siguruhin ang cybersecurity at maglatag ng sapat na mekanismo para sa kapakanan ng mga konsyumer habang nagpapalit ng service provider.

Paliwanag ni Gatchalian, talamak ngayon ang iba’t ibang modus gamit ang mga online at mobile application platforms, kaya importante ang mahigpit na pagtalima ng telcos sa Data Privacy Act.

Hinikayat din ni Gatchalian ang National Telecommunications Commission at ang National Privacy Commission na pangasiwaan ang tamang pagpapatupad ng batas.

Facebook Comments