Personal na pagtanggap ni Maria Ressa ng kanyang award, dapat payagan na

Nanawagan na rin si Deputy Speaker Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na pahintulutan ang journalist na si Maria Ressa na personal na tanggapin ang Nobel Peace Prize.

Sa December 10 nakatakdang igawad ang award sa journalist sa Oslo, Norway.

Tinututulan kasi ng Office of the Solicitor General ang personal na pagtanggap ni Ressa ng nasabing award dahil sa isa umano itong ‘flight risk’ bilang nahaharap pa ito sa kasong cyber libel.


Katwiran pa rito, maaari naman umanong dumalo “virtually” ang mamamahayag.

Ngunit ayon kay Rodriguez, dapat hayaan si Ressa na personal na tanggapin ang kauna-unahang Nobel Peace Prize award ng bansa.

Kailangan lamang din aniya nitong tuparin ang kundisyon na inilatag sa kanyang US trip at mag-report sa korte upang patunayang hindi siya tatakas.

Dagdag pa ng Cagayan de Oro solon na kung pipigilan ang journalist na lumipad para sa awarding ay lalo lamang titindi ang alegasyon na ginigipit ng administrasyon ang mamamahayag.

Facebook Comments