Personal na pamamahagi ng leaflets bilang kampanya para sa iwas sunog sa paputok, mas epektibo pa rin kahit mayroong social media —BFP

Sa kabila ng pagiging laganap na ng paggamit ng social media, naniniwala ang Bureau of Fire Protection na mas epektibo pa rin ang house-to-house campaign hinggil sa panganib ng sunog dala ng pagpapaputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Paalala ni Fire Chief Superintendent Jesus Fernandez sa publiko, huwag nang patagong gumamit ng ilegal na paputok.

Pinangunahan din ni Fernandez ang inspeksyon sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.


Kaugnay na rin ito ng muling pagpapaingay at pagpapailaw bilang pagsalubong ng bagong taon sa Disyembre 31.

Layon nito na masiguro na sumusunod ang mga firecracker vendor sa mga regulasyon sa pagbenta ng fireworks at pyrotechnics.

Partikular na sinilip ng BFP ay ang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ng mga nagbebenta ng mga paputok at pailaw.

Gayundin ang naisyung Fire Safety Clearance for Storage para sa pag-imbak ng mga raw material at finished products.

Hinahanapan din ang mga ito ng Fire Safety Conveyance Clearance para naman sa pag-transport ng mga firecracker.

Facebook Comments