PERSONAL RECRUITMENT SA TUPAD, WALANG KATOTOHANAN-DOLE RO1

Walang katotohanan ang alok ng mga indibidwal o grupo na personal recruitment upang mapabilang sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers ayon sa Department of Labor and Employment Regional Office 1.

Ang paglilinaw ay base sa mga naglipanang ulat ng recruitment gayong ipinagbabawal umano ito at hindi nakasaad sa panuntunan ng programa.

Giit ng tanggapan, walang sinuman ang maaaring manghingi ng bayad, pabor o anumang ugnayan para maipasok sa TUPAD.

Bukod dito, tanging mga opisina lamang ng DOLE, mga Public Employment Services Offices at opisina ng lokal na pamahalaan ang nagpapatupad ng TUPAD sa mga komunidad.

Ayon sa DOLE, huwag makipagtransaksyon sa mga nag-aalok ng naturang recruitment at i-report agad sa awtoridad ang naturang ilegal insidente ng panlilinlang.

Para sa mga katanungan ukol sa programa, makipag-ugnayan lamang sa mga itinalagang opisina ng gobyerno upang hindi maloko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments