Tumaas ang personal remittances o perang ipinapadala ng mga OFW sa bansa.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nitong Enero ay tumaas ng 2.75 billion dollars ang personal remittances.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno – 3.4% ito na mas mataas kumpara sa $2.66 billion.
Ang personal remittances na nanggagaling mula sa mga sea-based at land-based workers na may work contract na isang taon o higit pa ay tumaas sa $2.12 billion mula sa dating $2.07 billion.
Ang mga may work contracts na hindi lalagpas sa isang taon at tumaas rin ng $580 million mula sa dating $520 million.
Umangat din ang cash remittances o money transfers na dumadaan sa mga bangko sa $2.48 billion mula sa $2.38 billion noong nakaraang taon.
Ang Estados Unidos ang may pinakamataas na share ng kabuoang remittances na may 35.5%, sumunod ang Saudi Arabia, Singapore, United Kingdom, United Arab Emirates, Japan, Canada, Qatar, Hong Kong at Kuwait.