Personal remittances mula sa Overseas Filipinos, lumago ng 3.8% nitong Abril

Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas na lumago ng 3.8 percent ang personal remittances mula sa Overseas Filipinos (OFs) sa nakalipas na Abril.

Ito ay katumbas ng US$2.77 billion sa Abril 2023 mula sa US$2.67 billion sa nakalipas na taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pagtaas ng personal remittances ay bunga ng mataas na perang pinapadala ng land-based at sea and land-based Filipino workers.


Pinakamalaking remittances ay idinaan ng OFs sa bangko.

Sa unang apat na buwan ng taon ay naitala ang mataas na remittances mula sa mga Pinoy sa United States, Singapore, at Saudi Arabia.

Ang pinakamalaki namang overall remittances sa buwan ng Abril ay mula sa Singapore, Saudi Arabia, at Japan.

Facebook Comments