Napanatili ng mga Pinoy sa abroad ang mataas na personal remittances o perang ipinapadala nila sa Pilipinas noong November 2021.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa $2.77 billion ang personal remittances noong Nobyembre na mas mataas ng 4.8 percent mula sa $2.643 billion na naitala noong November 2020.
Habang noong Enero hanggang Nobyembre ng 2021, umabot ang personal remittances ng $31.586 billion na mas mataas ng 5.3 percent mula sa $29.988 billion sa kaparehong panahon noong 2020.
Ang US ang mayroong pinakamataas na overall remittances, sinundan ng Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, the United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at South Korea.
Facebook Comments