Personalidad na nag-utos para patayin ang mamamahayag na si Percy Lapid, tinutunton na ng mga awtoridad

Hindi pa tukoy sa ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang personalidad na nag-utos kay Joel Estorial para ipapatay ang mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, iniimbestigahan pa nila ang taga-bilibid na sinasabing kumontrata sa sumukong gunman na si Estorial.

Kasama rin sa inaalam kung paano ito nakakontak sa labas ng bilibid.


Sa pagharap ni Estorial kanina, sinabi nitong binayaran ang kanyang grupo ng ₱550,000 kung saan 6 silang naghati-hati rito at ₱140,000 umano ang pumasok sa kaniyang bank account.

Tatlo sa kaniyang kasamahan ang inginuso ni Estorial na sina “Orly o Orlando” at ang magkapatid na sina Edmond Dimaculangan at Israel Dimaculangan kung saan subject na ang mga ito ngayon ng hot pursuit operations.

Facebook Comments