Shanghai, China – Isang branch ng banko na purong pinapatakbo ng teknolohiya ang binuksan sa Shanghai, China.
Ito ay ang China Construction Bank na pangalawa sa pinakamalaking banko sa bansa.
Kilala sa tawag na “personless bank” ang naturang branch ng bangko dahil sa halip na tao, mga robot ang makakausap dito ng kanilang mga customer.
Sa entrance pa lang, sasalubungin sila ng mga robot na handang sumagot sa mga tanong ng customer sa pamamagitan ng voice recognition.
Makikita naman sa loob ang mga smart automated tellers na pwedeng gamitin sa pagbubukas ng account, money transfer, foreign exchange at gold investment.
Pero ayon kay He Fei, isang senior researcher sa Bank Of Communications sa Shanghai, kailangan pa rin ng mga customer ng human bankers para magbigay ng mga professional advice, at magbigay serbisyo para sa mga mas komplikadong deman
Indonesia – Sampu ang patay habang hindi bababa sa 12 indibidwal ang sugatan makaraang masunog ang isang iligal na oil well sa Aceh, Indonesia.
Sumiklab ang apoy sa isang residential area sa lugar kung saan tatlong bahay ang nasunog.
Pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa isinasagawang pipe welding sa oil well.
Ang Aceh ay kilalang pugad ng mga small-scale oil mining operations kung saan iba rito ay iligal na pinapatakbo ng mga residente.