PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY SA PANGASINAN, MAAARI NANG MAKAPAGTAPOS SA ELEMENTARYA AT SEKONDARYA

Pinalawig ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagpapatupad ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Program para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa loob ng tatlong taon.

Sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office I Pangasinan, ipatutupad ang programa mula 2025 hanggang 2028 upang bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na makakuha ng katumbas na sertipikasyon sa elementarya o sekondarya.

Ayon sa nilagdaang resolusyon,ang pagpapatuloy ng ALS A&E Program ay bahagi ng adbokasiya ng lalawigan para sa inklusibong edukasyon at rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga sa mga PDL.

Ang programa ay ipatutupad sa Pangasinan Provincial Jail upang mabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na hindi nakatapos ng elementarya o junior high school na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Facebook Comments