Persons of interest mula sa Bureau of Immigration kaugnay ng pagtakas ni Alice Guo, tinututukan ng DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na tinututukan na nila ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na persons of interest kaugnay ng pagtakas ng grupo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo palabas ng bansa.

Ayon kay Justice Spokesman Atty. Mico Clavano, mas mapapadali rin ang imbestigasyon nila hinggil dito kung magsasalita si Guo.

Iginiit din ng DOJ na bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, iniimbestigahan din nila ang mga pribadong indibidwal na kasabwat sa pagpapatakas kay Guo.


Una nang inihayag ng DOJ na iniimbestigahan na nila ang sinasabi ni Guo na may banta siya sa buhay kaya siya tumakas.

Ito ay bagama’t hindi anila nila masabi pa sa ngayon kung totoo ang pahayag ni Guo.

Facebook Comments