Sumailalim sa Filipino Sign Language (FSL) training ang mga kawani ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pozorrubio, Pangasinan bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa mga persons with disability, partikular sa mga may kapansanan sa pandinig.
Sa isinagawang pagsasanay, tinutukan ang mga pangunahing FSL signs at tamang paraan ng pakikipagkomunikasyon sa mga deaf at hard-of-hearing clients upang maging mas episyente at malinaw ang transaksyon sa tanggapan.
Ayon sa PDAO, layon ng aktibidad na mabawasan ang communication barriers na madalas nararanasan ng mga PWD sa pagkuha ng mga serbisyong panlipunan at administratibo.
Ang training ay isinagawa bilang bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11106 o Filipino Sign Language Act, na nagtatakda ng opisyal na paggamit ng FSL sa mga transaksyon ng pamahalaan na may kinalaman sa deaf community.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang mga personnel ng PDAO Pozorrubio na maghatid ng mas inklusibo, pantay, at naaangkop na serbisyo sa mga residenteng may kapansanan.







