Sinisisi ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang takot sa pagpapabakuna kaya nangyari ngayon ang pertussis outbreak sa bansa kung saan may naitatala nang mga sanggol o bata na nasasawi.
Binigyang diin ni Garin na ang pertussis ay uri ng sakit na mapipigilan ng bakuna.
Sabi ni Garin, nagkaroon ng pagkalito at takot ang publiko dulot ng mga fake news o mga hindi totoong balita laban sa bakuna na hindi napigilan ng mga naunang liderato ng Department of Health (DOH).
Binanggit ni Garin, na “vaccine hesitancy” rin ang dahilan kaya bumalik ang sakit na polio sa bansa at marami rin ang dinadapuan ng sakit na measles cases.
Facebook Comments