Idineklara ni Mayor Joy Belmonte ang outbreak ng pertusiss sa lungsod.
Ang pertussis o ang whooping cough ay malimit na tumatama sa mga sanggol na nasa 6 na buwang gulang.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Belmonte na nakapagtala ng pagsipa ng kaso ng pertussis sa lungsod sa huling quarter ng 2023.
Nitong January to March 2024 ay nakapagtala na ng 23 pertussis cases sa QC.
Ito umano ay lumampas na sa outbreak point kung may mangangailangan ng maagap na aksyon.
Mula sa naturang bilang, nakapagtala ng apat na binawian ng buhay.
Kabilang dito ang isang 23 days old at isang 60 days old na sanggol.
Tatlo sa nasawi ay hindi nabakunahan ng prevalent vaccine.
Ayon Kay Dr. Rolly Cruz ng Epidemiology & Disease Surveillance Unit, ang kabiguan ng mga ina na pabakunahan ng kanilang mga sanggol ang isang nakikitang dahilan ng pagsipa ng pertussis cases.
Nagsasagawa na ng contact tracing ang QC at naglagay ng quarantine area para sa mga magpopositibo.
Bibili na rin ng prevalent vaccine ang LGU dahil nagkukulang ngayon ng suplay ng bakuna.