Peru at India, nakapagtala na ng unang kaso ng nasawi sa monkeypox; California, isinailalim na sa state of emergency!

Nakapagtala na ang Peru ng unang kaso ng nasawi sa monkeypox.

Nabatid na mayroong higit 300 kaso ng monkeypox ang Peru sa kasalukuyan.

Ayon sa Director ng Dos de Mayo Hospital ng Lima na si Eduardo Farfan, malubha ang kondisyon ng pasyente nang dumating sa ospital at nabatid na humina ang katawan nito matapos itigil ang pagpapagamot sa HIV o AIDS.


Bukod dito, nakapagtala na rin ang India ng unang kumpirmadong nasawi dahil sa monkeypox.

Sinabi ni Kerala Health Minister Veena George, na ang nasawi ay isang 22 taong gulang na lalaki na may travel history mula sa United Arab Emirates.

Samantala, nagdeklara na ng state of emergency si California Governor Gavin Newsom sa California upang mapabagal ang pagkalat ng naturang sakit.

Sa kasalukuyan ay pumalo na kasi sa higit 5,800 ang bilang ng tinamaan ng monkeypox sa California.

Facebook Comments