Perwisyong dulot ng One Health Pass, inupakan ng OFWs at Pinoy balikbayans

Inupakan ng ilang Filipino balikbayans ang pananatili ng One Health Pass requirement sa mga pasaherong papasok ng Pilipinas.

Ito anila kasi ang dahilan ng mahabang pila sa mga airport sa Pilipinas tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kinakailangan pang busisiin ang printed copy o ang naka-screen shot sa kanilang gadgets.

Ayon kay Rosie Ona, isang Pinoy immigrant sa Japan, ang One Health Pass din ang dahilan kung bakit may ilang dayuhang turista ang umaatras na mag-tour sa Pilipinas.


Pahirapan aniya kasi sa mga dayuhan ang sobrang dami na kailangan nilang sagutan sa One Health Pass app at hindi nila alam ang mga barangay o distrito na kanilang pupuntahan sa Pilipinas.

Aniya, sa ibang lugar sa Asya ay wala nang ganitong requirement sa international travelers.

Ayon naman sa Filipino-American na si Kent Lim, marami nang mga bansa ang nagluwag sa mga dayuhang pasahero lalo na’t may booster shots na rin naman ang karamihan sa international travelers bukod sa primary shots.

Kaugnay nito, umaapela sila sa Inter-Agency Task Force na alisin na ang One Health Pass requirement.

Facebook Comments