Iginiit ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na panahon na ngayon para ayusin ang perwisyong idinulot umano ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd) lalo na sa mga guro, paaralan at mga estudyante.
Pahayag ito ni Chua kasunod ng pagbibitiw ni VP sara bilang kalihim ng DepEd na hinawakan nito mula noong 2022.
Kaugnay nito ay pinapasuspinde rin ni Chua ang pagpapatupad ng Matatag curriculum.
Nanawagan si Chua na itigil na itigil ang lahat ng politically motivated bullying at brainwashing na nagaganap sa DepEd at nais din nyang isapubliko ang lahat ng itinalaga sa DepEd na para sa 2028 elections.
Tahasan ding sinabi ni ni Chua, na nabubuhay umano sa kasinungalingan si VP Duterte at nagpapanggap na mayroong silang “unity” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula pa noong Hunyo 2022.
Ngayon ay naging malinaw para kay Chua na ang binuo lang ang “UniTeam” para lang sa eleksyon.