May bago ng presidente ang PESO Association of Metro Manila (PAMM).
Sa isinagawang monthly meeting kahapon ng PAMM at Department of Labor and Employment (DOLE) NCR sa Quezon City Hall – nagkaroon ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ng PAMM.
Dito hinirang si Muntinlupa City Peso Manager Glenda Zamora Aniñon na bagong PAMM president.
Narito ang iba pang bagong halal na opisyal ng PAMM:
Vice President – Emma Javier – PESO Mandaluyong
Secretary – Ophie Pascual Osea – PESO Valenzuela
Treasurer – Violeta Beng Yanga Gonzales – PESO Caloocan
Auditor – Rona Cea Sampang – PESO Pasay
Pro – Genesis Sanoy – PESO Navotas
Ang PESO ay isang non-fee charging multi-employment service facility batay sa Republic Act no. 8759 o mas kilala sa PESO Act of 1999.
Nabatid na malaki ang ambag ng PESO para matugunan ang mga hamon sa sektor ng paggawa sa bansa kung saan nagbibigay sila ng iba’t-ibang uri ng hanapbuhay gayundin ang pagbibigay ng seminar at livelihood project sa kanilang nasasakupan.
Ang DZXL Radyo Trabaho ay official radio partner ng lahat ng PESO sa Metro Manila na siyang gabay ninyo sa hanapbuhay.