Tuguegarao City, Cagayan – 35 ang agad nagkatrabaho sa isinagawang job fair ng Public Employment Service Office at Department of Labor and Employment.
242 na mga aplikante ang dumagsa sa SM Center Tuguegarao Downtown para makasali dito. Maliban sa 35 na agarang nakuha sa trabaho ay 207 sa mga ito ang kwalipikado sa kanilang mga inaplayan.
Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan News Team, ang naturang job fair ay kasabay din sa mga kaparehong isinagawa sa ibat-ibang bahagi ng bansa para sa mga naghahanap ng mapapasukan.
Dalawampung mga kumpanya ang sumali sa job fair kung saan ay nagbigay ng mensahe si Tuguegarao City Councilor Grace Arago.
Ang mga sumali sa job fair na ito ay ang SM Hypermarket, Tom’s World, Savers Appliances, Cindy’s Bakeshop, Alorica, Cedar Call Center, RETA Drug, Shakey’s, Grupo Marilen Inc., Kenny Rogers Roasters, Maritone, AHPI, Silicon Valley, Eastern Hawaii Leisure Co., Placewell, Pandayan Bookshop, at Toyota Isabela Inc.