PESO JOB FAIR SA LINGAYEN, PANGASINAN, PATULOY NA NAGBIBIGAY TRABAHO PARA SA MGA JOB SEEKERS

Patuloy ang pagsasagawa ng Regular Job Fair ng Provincial Employment and Services Office (PESO) para matulungan ang mga job seekers sa lalawigan.
Kahapon, August 14, 2025, 18 lokal at overseas na kumpanya ang lumahok at nag-alok ng 3,357 bakanteng trabaho mula sa iba’t ibang larangan gaya ng skilled work, clerical, at managerial positions.
Nagbigay rin ng serbisyo ang PhilHealth, SSS, PRC, at Department of Migrant Workers para sa mga aplikante at balik-manggagawa.
Simula Enero, umabot na sa 3,618 katao ang nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng mga job fair at recruitment activities ng PESO.
Patuloy ang mga aktibidad na ito sa iba’t ibang LGU upang makapaghatid ng mas maraming oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments