Patuloy ang pagbibigay ng trabaho ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City sa mga residente na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa interview ng RMN Manila kay Dorie Benigno, Mandaluyong City Public Employment Services Office (PESO) Staff, sinabi nito na may inihahanda silang iba’t ibang trabaho para sa lahat.
Ilan sa mga trabahong ini-aalok ay nagmula sa field, supermarket, factory, enumerators para sa Philippine Statistics Authority (PSA) at iba pa.
Kailangan lang makipag-ugnayan sa PESO Mandaluyong sa telepono (02) 532-2606 at ipasa ang mga sumusunod na requirements tulad ng resume at 2×2 I.D. picture.
Sa ngayon, bumabalik na sa normal ang karamihan sa mga negosyo sa Mandaluyong, na itinuturing na isa sa mga lugar sa Metro Manila na maraming trabahong ini-aalok sa mga mamamayan.